Wednesday, September 30, 2009

Ganito kami sa Mindanao

Magulo dito. Sabi kasi ng national media, warzone daw ang Mindanao. Tanong pa ng isa sa isang presscon na nadaluhan ko: ang BJE ba ang solusyon sa “kultura ng baril” sa Mindanao? Huwat? Eh, halata namang wala siyang alam sa konteksto ng conflict sa rehiyong ito. Nakalimutan din ng The Imperial Manille na nandidito din ang Davao, Cagayan, Zamboanga, General Santos, Butuan, Surigao at iba pang mga emerging cities na promising ang mga potentials pagdating sa business and tourism. Marahil di din nito alam na kaya may nakakain pa sila sa taas eh dahil panay pa rin ang supply natin ng agricultural produce.

Siguro nga dahil they need to feed their own agenda, and Mindanao is an easy scapegoat. Sabi pa nga nung isang executive ng BPO ng minsang dumalaw sa isang conference dito sa Davao: di daw akalain ng ibang dayuhan na may BPO industry na palang natayo sa Mindanao, kala nila puro giyera, puro Abu Sayyaf.

Di nga naman tulad sa Makati, kung saan makakita ka ng mga professional at sophisticated-looking people who sashay and brandish their cigarettes outside high-rise buildings like the RCBC tower, at hindi mga baril. Talagang, what a sight of civilization and modernization it is.

Ganito raw kasi sila sa Makati. Yung lahat ng kailangan mo – edukasyon hanggang mga health benefits at welfare ng mga matatanda – ay sagot ni... Aba, kung kaya niyang gawin ‘yon eh di dapat ngang ihalal natin siya, by all means. Lalo na kung nung bata ka pa eh nagpapakain ka ng baboy habang kinukutya ka ng mga kalaro mo.

Ganito rin sana sa buong bansa… Naku, napaka-misguided at napaka-baluktot na logic. Hindi pwedeng i-replicate mo na lang ang Makati at gawin mong Makati ang buong bansa. Talagang hindi pwede yun. Hayaan nating ang Manila ay magpaka-Manila, ang Makati, magpaka-Makati. Ang bawat rehiyon sa bansa ay may kanya-kanyang strength, sa agricultura man or sa larangan ng industriya at services.

Op kors, hindi naman sasabihin ng ad na kaya dahil libre ang notbuk at Paracetamol sa Makati eh dun halos lahat ng malaking establishments –central financial district kung baga, parang Wall Street. Kahit na ba ang mga kompanyang ito ay may mga operation or yung mismong largely operating outside Metro Manila -ang iba sa liblib na parte ng Pilipinas kahit dun sa mga tinatawag naming conflict-affected areas. Mas nakakagulat kung sa laki ng revenues na pumapasok sa lungsod nila ay ‘di pa malilibre ang basic social service.

Kung gusto ng pagkakapantay-pantay, paigtingin at bigyang puwang ang local autonomy, coupled with greater transparency at accountability to its people. Sa isang banda, mukhang mahihirapan nga tayo sa huling ‘yon, dahil the katiwalian is deeply entrenched in the higher echelons of power. Pero subukan natin ang patakbuhin ng mabuti ang local autonomy. Patotohanan natin ang katagang decentralization, dahil magpasa-hanggang ngayon mukhang kakarampot lang ang natatamasa ng mga nasa kanayunan. Okay the term is too provincial, make it outside-Metro Manila. Diba, probinsya naman talaga ang tawag nila sa mga lugar outside their territory…

Let’s make local autonomy work. Decentralize. Look at the examples of Galing Pook and the untold stories of LGUs making it out on their own. Headline readers will be shocked that away from politics and crime, good things are actually happening on the ground. At siguro, tsaka natin masasabing, ganito kami sa Pilipinas, hindi lang yung Ganito kami sa Makati…

1 comment:

Visual Velocity said...

Magulo rin dito sa Maynila; ibang lebel nga lang. By the way, I'll be watching The Class this weekend. Super excited. :D

Choose life. Choose a job. Choose a career. Choose a family, Choose a f—king big television. Choose washing machines, cars, compact disc players, and electrical tin openers. Choose good health, low cholesterol and dental insurance. Choose fixed-interest mortgage repayments. Choose a starter home. Choose your friends. Choose a three piece suit on hire purchased in a range of f—king fabrics. Choose DIY and wondering who the f—k you are on a Sunday morning. Choose sitting on that couch watching mind-numbing, spirit-crushing game shows, stuffing f—king junk food into your mouth. Choose rotting away at the end of it all, pishing your last in a miserable home, nothing more than an embarrassment to the selfish, f—ked-up brats you have spawned to replace yourself. Choose a future. Choose life . . . But why would I want to do a thing like that? I chose not to choose life. I chose somethin’ else. And the reasons? There are no reasons. Who needs reasons when you’ve got heroin?

Renton, Trainspotting