Magulo dito. Sabi kasi ng national media, warzone daw ang Mindanao. Tanong pa ng isa sa isang presscon na nadaluhan ko: ang BJE ba ang solusyon sa “kultura ng baril” sa Mindanao? Huwat? Eh, halata namang wala siyang alam sa konteksto ng conflict sa rehiyong ito. Nakalimutan din ng The Imperial Manille na nandidito din ang Davao, Cagayan, Zamboanga, General Santos, Butuan, Surigao at iba pang mga emerging cities na promising ang mga potentials pagdating sa business and tourism. Marahil di din nito alam na kaya may nakakain pa sila sa taas eh dahil panay pa rin ang supply natin ng agricultural produce.
Siguro nga dahil they need to feed their own agenda, and
Di nga naman tulad sa Makati, kung saan makakita ka ng mga professional at sophisticated-looking people who sashay and brandish their cigarettes outside high-rise buildings like the RCBC tower, at hindi mga baril. Talagang, what a sight of civilization and modernization it is.
Ganito raw kasi sila sa
Ganito rin sana sa buong bansa… Naku, napaka-misguided at napaka-baluktot na logic. Hindi pwedeng i-replicate mo na lang ang Makati at gawin mong Makati ang buong bansa. Talagang hindi pwede yun. Hayaan nating ang Manila ay magpaka-Manila, ang Makati, magpaka-Makati. Ang bawat rehiyon sa bansa ay may kanya-kanyang strength, sa agricultura man or sa larangan ng industriya at services.
Op kors, hindi naman sasabihin ng ad na kaya dahil libre ang notbuk at Paracetamol sa
Kung gusto ng pagkakapantay-pantay, paigtingin at bigyang puwang ang local autonomy, coupled with greater transparency at accountability to its people. Sa isang banda, mukhang mahihirapan nga tayo sa huling ‘yon, dahil the katiwalian is deeply entrenched in the higher echelons of power. Pero subukan natin ang patakbuhin ng mabuti ang local autonomy. Patotohanan natin ang katagang decentralization, dahil magpasa-hanggang ngayon mukhang kakarampot lang ang natatamasa ng mga nasa kanayunan. Okay the term is too provincial, make it outside-Metro
Let’s make local autonomy work. Decentralize. Look at the examples of Galing Pook and the untold stories of LGUs making it out on their own. Headline readers will be shocked that away from politics and crime, good things are actually happening on the ground. At siguro, tsaka natin masasabing, ganito kami sa Pilipinas, hindi lang yung Ganito kami sa Makati…